MANILA – The mother of Kapamilya actress Kim Chiu passed away on Sunday. She was 50.
According to information gathered by ABS-CBN News, Louella Yap Chiu had been confined at a Cebu hospital due to an illness. The family has refused to disclose more information. via abs-cbn
Nagdadalamhati ngayon ang pamilya ng aktres na si Kim Chiu sa biglaang pagpanaw ng kanyang ina.
Namatay ang 50-anyos na si Louella Yap Chiu kahapon sa isang pribadong ospital sa Cebu.
Napag-alaman ng ABS-CBN News na na-confine ang ina ng aktres dahil sa isang karamdamang ayaw munang sabihin ng Kapamilya actress.
Hindi pa malaman kung kailan na-admit sa ospital ang ina ni Kim.
Sa ngayon, hiling ng pamilya na mapag-isa sila sa gitna ng pagdadalamhati.
Ayaw din ng aktres na magpa-interview ukol sa pagkamatay ng ina.
EmoticonEmoticon