Nakasali sa prestihiyosong Cannes International Film Festival ang mga pelikula ng mga aktor, direktor at manunulat ng GMA Network at GMA News TV.
Tatlong pelikulang Pinoy na nakasali sa festival ay kinabibilangan ng Kapuso actor na si Sid Lucero. Ito ay ang mga pelikulang Death March; Norte, Hangganan ng Kasaysayan; at ang Mga Engkantong Laog sa Mahabang Dapithapon.
Ang Death March at Norte, Hangganan ng Kasaysayan ay kasali sa Un Certain Regard category. Samantalang sa Short Film Corner naman nakasama ang Mga Engkantong Laog sa Mahabang Dapithapon.
Ang Death March at Norte, Hangganan ng Kasaysayan, ay kapwa isinulat ni Rodolfo Vera, na siyang sumulat sa political series sa GMA News TV na Bayan Ko.
Samantala, ang direktor ng Death March na si Adolfo Alix Jr., ay siya ring direktor ng Bayan Ko at love anthology series na Wagas sa GMA News TV.
Ang executive producer naman ng Front Row sa GMA News TV na si Derick Cabrido, ang direktor ng Mga Engkantong Laog sa Mahabang Dapithapon.
Gaganapin ang Cannes Film Fest sa France simula sa May 15. - FRJImenez, GMA News
EmoticonEmoticon