Eugene Domingo at Iza Calzado lips to lips na kissing scene goes viral

Eugene Domingo and Iza Calzado kissing scene goes hot online in their movie Barber's Tale

Eugene Domingo at Iza Calzado, naghalikan din.

Kahapon naman ang last shooting day ni Gladys Reyes sa pelikulang Barber’s Tale na dinirek ni Jun Lana.

Malaki ang pasasalamat ni Gladys at naging bahagi siya ng pelikulang ito. Proud na proud siya sa obrang ito ni direk Jun Lana dahil maganda raw ang pelikula.

Hindi lang nasagot ni Gladys ang kumalat na litratong lips to lips nina Eugene Domingo at Iza Calzado na kuha sa pelikulang iyun.

Mas mabuting panoorin na lang daw dahil doon daw mas maipapaliwanag kung paano umabot sa eksenang iyun.

Pagkatapos kumalat ang litratong halikan ng magpinsang Georgina Wilson at Isabelle Daza, ito naman ngayon ang kina Uge at Iza.

Pinauso kasi ng My Husband’s Lover ang kabadingan, kaya sinusubukan din kung paano tanggapin ng publiko ang katomboyan.

Pero wala yatang katomboyan sa Barber’s Tale nina Uge at Iza. Mas maipapaliwanag daw sa pelikula kung bakit sila naghalikan.

via GORGY RULA (Abante)
Previous
Next Post »